Nuffnang ads

Nuffnang ads

Friday, December 28, 2012

Blog Collection, Mga uri ng pa'fall at paasa


Mga uri ng pa'fall at paasa

Mood Swings- Sila yung mga taong paasa na magpaparamdam sayo ngayon at magiging sweet pero bukas? Wag ka ng umasa na ganun ulit ang pakikitungo niya sayo. Pagkatapos ng ilang araw biglang magpaparamdam nga parang multo. At bigla nalang magiging cold at maglalaho ng parang bula. Yung parang nambibitin. At ang sarap nilang isabit sa puno ng patiwarik! 

Major major- Sila ang mga totoong pafall at paasa. Yung sasabihin na halos lahat sayo ng mga banat at papakiligin ka kahit natutulog ka na. Tapos hindi mo malaman kung ano ka ba talaga sa buhay niya. Yung halos MU na ta turingan niyo tapos bigla mong mababalitaan na hindi lang pala ikaw ang ka M’Uhan niya. M2M pa kayo, many to mention. Sila yung hindi lang sinasabit, sinusunog na din ng mabawasan ang katulad nila sa mundong ito. 

Second chances- Sila naman yung mga pafall pero sa una lang. Yung papakiligin ka pero di mo lang alam kinikilig din siya at pare parehas kayong nagmumukhang tanga sa kakangiti habang nagtetext or chat. Tapos habang ginagawa niya ang lahat makuha lang niya ang loob mo, di niya napapansin na siya din unti unti ng nahuhulog sayo. Yun ang masaya, sagad. Happy ending e. Sila yung mga taong pa’fall na dapat magmultiply! 

Babae man o lalaki. Bakit kailangan magpaasa? Pag ba pinaasa mo yung isang tao, mamahalin ka nung taong mahal mo? Tanga ka kung oo ang sagot mo. Ang pangit ng ganiyan. Hindi mo ba naiisip na mahal ka ng isang taong yon tapos hindi mo man lang maappreciate. Tinake for granted mo pa. Bakit? Para saan? Masarap ba sa pakiramdam yon? Yung masaktan mo ng sobra yung isang taong alam mong mahal na mahal ka kasi ineentertain mo siya kahit hindi mo siya gusto? Oha