Nuffnang ads

Nuffnang ads

Friday, December 28, 2012

Blog Collection, Mga palusot sa pagbe-break ng relationship.


Mga palusot sa pagbe-break ng relationship.

Kelangan kong hanapin ang sarili ko Kung si Pacquiao ang ating pambansang kamao, ito naman ang ating pambansang palusot. Isa rin ito sa mga palusot na ginagamit ng mga taong bulag sa tunay na buhay. Tumatakbo ang oras at taon para sa kanya, pero hindi pa pala niya nahahanap kung sino talaga siya. Nakakaawa. 

Hindi ikaw ang problema, ako. Hanga ako sa mga taong inaamin ang kanilang pagkakamali. At least mas pinili niyang saktan ka ng biglaan kesa saktan ka niya sa tuwing magkasama kayo. 

May mahal na akong iba. Mas hanga ako sa mga taong hindi niloloko ang tunay na nararamdaman. Alam niya sa sarili niya kung saan siya magiging masaya. 

Wala ka ng oras sa akin. Lagi nalang trabaho. Hindi lang ako pabor na pwedeng maging dahilan ang oras para maghiwalay kayo. Kung hindi na mahal hindi na mahal. PERIOD. 

Kelangan ko ng space, cool off muna tayo.” Mas maiging pagisipan muna kung masaya pa ba o hindi na sa sitwasyon ninyo ngayon.