Kaya may umaasa.
Kasi binibigyan mo ng motibo para umasa.
Sabihin na nating hindi ka snob o sadyang ganyan ka lang talaga kabait.
Yung tipong sweet na rin, sige.
Pero hindi ka naman siguro tanga para hindi mapansin kung may iba sa kanya.
Kumbaga, mapapansin mo rin naman kung may gusto sya sayo o wala eh.
Tas ikaw naman, alam mo naman pala sa sarili mo na hindi mo trip yung tao,
sige ka pa rin ng sige sa pagiging sweet sa kanya.
Minsan, sinusuklian mo rin yung pagiging sweet niya sayo.
Okay lang naman yun, wag lang sumobra kasi baka akalain nya gusto mo rin siya.
Okay na yung “Hi-Hello” lang. O kaya kamustahan lang.
Pero pag palagi kang nakikipagusap sa kanya, posible nga namang mahulog sya sayo.
Minsan, aabutin ka ng madaling araw kakausap sa kanya.
Tas yung isa naman tuwang-tuwa at asang-asa kasi baka may gusto ka rin sa kanya kahit wala naman. Kaya kung ayaw mong saktan yung tao, kung ayaw mo magpaasa,
sabihin mo na sa kanya habang maaga pa.
Habang hindi pa ganun kasakit ang mararamdaman niya kung sakali mang masaktan nga sya.
Kelan mo pa sasabihin? Kung asang- asa na yung tao?