Ano kaya feeling ng naka Move on?
Yung pagkatapos ng sakit na naramdaman mo
pagkatapos nung mga luha na iniyak mo
pagkatapos mo magpuyat kakaisip sa kanya
pagkatapos nung kakahintay mo sa kanya
pagkatapos mong magpakatanga sa kanya
pagkatapos nung kakaasa mo na mahalin ka niya ulit
pagkatapos nung pagbabakasali mo na baka bumalik
siya sayo at pagkatapos mong tanggapin sa sarili mo
na wala na talagang pagasa na magkabalikan kayo.
Ano kaya yung narealize mo? Ano kaya yung pakiramdam mo
pagkatapos nung lahat na yun? Ano yung mga naisip mo?
Kapag nagmomove on ka, hindi mo kailangang magmadali,
dahan dahan lang. Dahandahan mong kalimutan yung mga
nangyari sa inyo, huwag mo ipipilit na kalimutan siya kasi
mahihirapan ka lang, hayaan mo lang yung sarili mo na marealize na
TAMA NA! WALA NA SIYA! HINDI NA SIYA BABALIK SAYO! MAGBAGONG BUHAY KA NA LANG!
Pagkatapos naman kasi niyang sakit na napagdaanan mo, babalik ka ulit sa dati, minsan pa nga nagbabago ka ng buhay kasi tanggap mo na.
Ang sarap lang sa pakiramdam na tanggap mo na ang lahat ng nangyari sa inyo at wala na lahat sa iyo yun. Yung feeling na:
Hindi ka na iiwas sa kanya kapag nagkakasalubong kayo.
Hindi ka na masasaktan kapag nakikita mo siyang maykasamang iba.
Hindi ka na nahihiya sa kanya, parang friends na ulit kayo.
Yung kahit makita mo siyang may kalandian, wafakel ka na.
Yung kahit kausapin ka niya, hindi ka na maiilang.
Kahit magkwento pa siya sayo ng lovelife niya, okay lang sayo..
Tanggap mo na kasi na hindi na ikaw yung dati niyang prinsesa.